Naglaan ang gobyerno ng dalawang milyong doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine para sa booster shot ng mga healthcare workers sa bansa, ayon kayNational Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nitong Miyerkules.
Ito ay kasunod ng pagdatingsa bansa ng karagdagan pang 3,530,400 doses ng Sinovac vaccine nitong Nobyembre 17.
Aniya, gumagawa na rin sila ng panuntunan upang maisagawa ang booster shots sa mgasenior citizens, immunocompromised, at sa persons with comorbidities.
"We are also expecting that more or less five million senior citizens will be accommodated for the third dose or the boosters," aniya.
Tiniyak din ni Galvez na tatapusin na nila ngayong buwan ang isinasagawang booster shots ng mga healthcare workers upang matiyak magkakaroon ng proteksyon ang mga ito laban sa virus.