Bukas sa public debate si Human right lawyer at senatorial aspirant Chel Diokno kasama si Pangulong Duterte at iba pang kapwa kandidato sa pagkasenador sa May 2022 elections.

“Kailan ang debate?I would love to have a debate with the President or with anyone else who is running for the Senate,”aniya sa kanyang panayam sa ANC "Rundown" nitong Huwebes, Nobyembre 18.

Matatandaang naghain ng certificate of candidacy (COC) si Pangulong Duterte sa huling araw ng substitution noong Nobyembre 15.

HIndi nakakapag-iskedyul ang poll body ng anumang debate sa mga senatorial candidates, iniiwan sa pribadong sektor ang pag-aayos ng face-off sa mga senatoriable.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para kay Diokno, ang public debate ang pinaka magandang paraan upang malaman ng mga botanteng Pilipino kung sino ang kwalipikado sa senate seat.

“After all, that’s what we’re going to be doing if ever we are elected. We will be debating bills and passing laws,” ani Diokno.

Sa parehong panayam, nilinaw ni Diokno na hindi siya apektado sa mga sinasabi ni Duterte laban sa kanya. Hindi niya umano ito pinepersonal.

“Ako naman hindi ko pini-personal iyan. That’s something I learned from my father, never to plant those types of feelings inside you because they are like poison,” aniya.

Raymund Antonio