Para suportahan ang mga pampublikong paaralan sa implementasyon ng limited face-to-face classes, maglalabas ng P100,000 ang Department of Education (DepEd) na inisyal na pondo.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, 100 pampublikong paaralan ang nasama sa pinal na listahan ng DepEd para suportahan sa nasabing implementasyon.

“Nag-issue kami ng guidelines to release the P100,000 to serve as initial funding support to schools with the list we have downloaded last week, the allotment covers P100,000 per school and also included here is the cash, ani Sevilla.

Ang probisyon ng paglaan ng supplemental funds ay suportado ng mga sumusunod na nailabas na probisyon mula sa joint memorandum ng DepEd at Department of Health (DOH): (1) DepEd-DOH JMC No. 01, Series of 2021 dated September 27, 2021, particularly Annex A, and (2) DepEd Order No. 14, Series of 2020 dated June 25, 2020, specifically in Annex B.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“Ito po ang naging batayan natin kung ano yung mga financial implications sa mga provisions ng JMC na ito at may mga dapat tayong paghandaan," ani Sevilla.

Dagdag pa niya, “Ang ating mga guro, punong guro, at mga kagawad na nagtatrabaho ay pumapasok sa ating mga eskwelahan kaya na-i-ready na natin ang mga schools physically, mentally, and socially."

Ipinaliwanag naman ni Sevilla na naghahanda na ang DepEd para sa expanded stage ng pilot face-to-face classes.

Merlina Hernando-Malipot