Target nang mabakunahan ng booster shots ang mga senior citizens at may mga commorbidities sa susunod na linggo o bago mag Disyembre.

"Iba kasi ang protocol ng handling ng boosters for the health care workers at iba rin ang guidelines para sa ating mga immunocompromised, so once na nailabas na 'yon, we can start maybe even next week can start already. Ang pinaka-earliest (ay) next week at ang pinaka-latest isasama na natin siya sa National Vaccination Days," ani vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa mga reporters.

Itinalaga ang National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Ayon kay Galvez, kinakailangan na ng dagdag proteksyon lalo na ng mga madaling kapitan ng sakit tulad ng seniors at mga may commorbidities lalo na ngayon na muling tumataas ang kaso sa Europa.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Aniya, "Kailangan nating tapusin ASAP dahil nakikita nating tumataas na yung (cases sa) area ng Europe and we wanted that by the time na magkaroon tayo ng tinatawag na pagtaas dito ay dapat tapos na 'yong mga health care workers."

Siniguro naman ni Galvez na sapat ang suplay ng bakuna para sa tatlong priority sectors.

Matatandaan na noong Nobyembre 17, naunang nakatanggap ng kanilang booster shots ang mga healthcare workers.