Sa personal na endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Bong Go-Sara Duterte tandem para sa Halalan 2022 ay nakatanggap ng suporta mula sa 95 kongresista na dumalo sa isang dinner meeting kasama ang chief executive sa Malacañang nitong Martes, Nob. 16.

Sinabi ni DIWA Partylist Michael Aglipay na anim sa mga political bloc sa Lower House ang tumindig upang ideklara ang kanilang susporta kay Senador Go at kay Mayor Duterte na tatakbo sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

“Lahat ng um-attend doon ay for the Sara and Bong Go tandem,” ani Aglipay habang ibinahagi niyang si House Speaker Lord Allan Velasco ang unang nagdeklara ng suporta.

Direkta at mabilis na hinimok ni Duterte ang kanyang mga kaalyado sa Lower House na suportahan ang Davao City tandem para sa Halalan 2022, pagbubunyag ni Aglipay, chairman on House Committee on Good Government and Public Accountability.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinahayag din ni Go, na naroon sa pagpupulong, ang kanyang pag-aatubili sa pagtakabo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

“Basically, Senator Bong Go said he is a reluctant candidate. Gusto lang niya mag-serbisyo,” sabi ni Aglipay.

Sinabi ng mambabatas na ipinunto rin ni Go na isa siyang “loyal soldier” at nasa serbisyo sa nakalipas na 23 taon.

Naganap ang pledging session habang pormal na inihayag ni Mayor Duterte ang kanyang desisyon na sumama kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kanyang running mate sa Halalan 2022.

Magiging kinatawan ng Lakas-CMD si Mayor Duterte sa 2022 polls habang si Marcos ang opisyal na kandidato sa pagkapangulo ng Partido Federal ng Pilipinas.

Ben Rosario