Sinuportahan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules, Nob. 17 ang panukalang taasan ang 2022 budget ng Department of Justice (DOJ) upang mapabuti ang sistema ng hustisya sa bansa.

Pinuri rin ni Pimentel, dating Senate President ang desisyon na apurahin ang modernisasyon ng National Bureau of Investogation (NBI) sa pamamagitan ng paglalan ng karagdagang P500 milyon sa pondo ng ahensya.

“I think we are all praises for the DOJ’s performance and some of its attached agencies. I will manifest my support for all our quest, our efforts in improving the justice system in the country,’’sabi ng senador.

Ipinagtanggol naman ngayong araw ni Senador Juan Edhardo “Sonny” Angara, chairman ng Seante Finance committee, ang budget ng DOJ at mga kalakip nitong ahensya sa pagpapatuloy ng hybrid plenary session.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Angara na ang proposed 2022 budget ng DOJ ay itinaas sa ilalim ng Senate version sa P25.39 bilyon mula sa budget na isinumite ng Palasyo at pinagtibay ng Kamara na nagkakahalaga ng P24.8 bilyon.

Paliwanag niya, ang umento ay para sa modernisasyon ng NBI at para sa Office of the Secretariat sa kanilang kampanya laban sa human trafficking sa pamamagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Umaasa ang Senado na maipapasa ang panukalang 2022 P5 trilyon na national budget bago matapos ang buwan.

Mario Casayuran