Dinakip ng mga pulis ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga na ikinasamsam ng ₱2.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang Oplan Galudad sa Taguig City, nitong Miyerkules.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na s Omiel Salik, 24, taga-naturang lugar.
Ayon kay Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg, nasabat kay Salik ang 350 ng gramo ng shabu nang dakpin ito sa Road 19, Maguindanao Avenue, New Lower Bicutan, dakong 8:15 ng gabi.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasa ng Oplan Galudad ang mga tauhan ng Taguig Police nang maaktuhan umano si Salik na nagbebenta ng iligal na droga sa isang lalaki na nakatakas sa operasyon.
Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bella Gamotea