Sinabi ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) faction sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi nitong Miyerkules na nirerespeto nito ang pasya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ngunit nanindigang susuportahan ang presidential bid ni Senator Christopher “Bong” Go.
“We respect the decision of Mayor Sara Duterte. But the PDP has its alliance with PDDS among others,”ani PDP-Laban secretary general Melvin Matibag sa isang pahayag.
“Our alliances are strong and our leaders’ and members’ discipline, spirit, and morale are high,”dagdag niya.
“We have toed the line and will support the candidacy of Senator Bong Go for President and President Rodrigo Duterte for senator,” pagpapatuloy nito.
Naglabas si Matibag ng pahayag matapos sabihin ni Duterte-Carpio na tinanggihan ng PDP-Laban ang kanyang kahilingan na susuportahan siya ay ni dating senador Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. para sa pagka-bise presidente at presidente.
Ang ama ni Sara na si Pangulong Duterte ang namumuno sa PDP-Laban na ngayon ay nahahati sa dalawang paksyon.
Dahil sa mga legal na isyu na nakapalibot sa pagiging lehitimo ng Cusi-faction PDP-Laban, nagpasya si Go na bawiin ang kanyang vice presidential bid sa ilalim ng PDP-Laban at sa halip ay naghain ito ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan PDDS ni Greco Belgica.
Sa virtual forum ng Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Belgica na nais nilang mabuti ang Duterte-carpio at iginagalang ang kanyang desisyon na tumakbo kasama si Marcos. Sinabi ni Belgica na susuporthan ng PDP-Laban at PDDS ang kanyang bid.
“Actually, Maam Sara…we always considered her a national adviser of the party,” sabi ni Belgica sa forum.
“We wish her all the best…mahal namin ang Papa niya, mahal din namin siya,” dagdag niya.
“She was always one of the lead figures of the PDP-Laban-PDDS. Hindi mahirap sa amin na suportahan siya,” pagpapatuloy niya.
Noong Nob. 13 gumawa ng sorpresang hakbang si Duterte-Carpio sa pamamagitan ng paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang bise president sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Sa kalaunan ay napilitan si Go, kasama si Duterte na pumunta sa Comelec para bawiin ang kanyang bid pagka-bise presidente at sa halip ay naghain ng kanyang kandidatura para sa pagkapangulo.
Nagbanta noon si Duterte na maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente at tatakbo laban sa kanyang anak na si Inday Sara.
Ngunit noong Nob. 15, sa huling araw ng paghahain ng substitution, sa halip ay naghain ang Pangulo ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-senador.
Hannah Torregoza