Nagpasa ang Pasig City government ng Ordinance No. 39, Series of 2021 na lilikha ng halos 1,000 regular job positions alinsunod sa regularization program ng lungsod nitong Nob. 11.

Ang Ordinance No. 39, “An Ordinance Creating Additional Permanent Positions for Various Departments and Offices Pursuant to the Regularization Program of the City Government of Pasig,” ay inakdaan ni Konsehal Rhichie Gerard Brown katuwang ang 12 iba pang lokal na mambabatas.

Ang ordinansa ay lilikha ng kabuuang 985 na regular na posisyon para sa mga departamento ng lokal na pamahalaan ng Pasig City.

Ang mga casual at hindi regular na posisyon na dating hawak ng mga bagong regular na empleyado ay aalisin ayon sa ordinansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Opisyal na inaprubahan ni Mayor Vico Sotto ang ordinansa noong Huwebes, Nob. 11.

Mula noong 2019, nasa kabuuang 1,957 empleyado ng pamahalaang lungsod ang na-regular, hindi kasama rito ang 985 na bagong posisyon, alinsunod sa Ordinance No. 39 ayon sa Facebook post ni Sotto noong Oktubre 10.

Seth Cabanban