Patuloy na bumuti ang sitwasyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas batay sa pinakabagong datos ng independent research group na OCTA.

Sa isang tweet nitong Miyerkules, Nob. 17, sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na ang seven-day average number ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay bumaba sa 10 percent hanggang 1,809 na kaso bawat araw.

Sinabi ni David na ang reproduction number ng COVID-19 infections sa Pilipinas ay nasa 0.41 na lang habang ang positivity rate ay nasa 4 percent.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa average na bilang ng secondary infections ng bawat nahawaang indibidwal, habang ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga taong nagpositibo sa pagsusuri.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

“Based on these trends, new cases could decrease to 500 before the year’s end,”pagpupunto ni David.

Samantala, sinabi ni David na ang seven-day average ng Metro Manila ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay tumaas ng 14 percent hanggang 413, habang ang positivity rate ay nanatili sa three percent.

“I think it is just due to backlog. I still don’t see a surge happening. I think the growth rate will be negative again next week,” dagdag niya.

Habang patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19, pinaalalahanan ni David ang publiko na ang downtrend trend ay madaling mabaliktad kung kampante ang mga tao.

Umapela siya sa publiko na patuloy na sumunod sa mga minimum public health protocols upang maiwasan ang muling pagkalat ng impeksyon.

“We must continue to follow minimum public health standards so cases will decrease further,” sabi ni David.

Ellalyn De Vera-Ruiz