Muling eere na sa mga sinehan sa Pilipinas ang mga palabas ng Marvel Entertainment matapos ang lagpas isang taong pagsasara ng mga sinehan sa bansa dahil sa COVID-19.

Nauna na itong inanunsyo ng Marvel Philippines sa kanilang Facebook page.

"Marvel returns to Philippine cinemas. #MarvelPH," caption ng Marvel Philippines noong Nobyembre 5, sabay sa pag-aanunsyo sa mga araw ng pagpapalabas ng tatlong pelikula mula sa nasabing entertainment.

Ngayong araw, Nobyembre 17, unang nang balik screen ang pelikulang "Black Widow," na solo debut movie ni Scarlett Johansson na gumanap bilang si Natasha Romanoff o Black Widow.

National

17 Pinoy seafarers na binihag sa Yemen, nakalaya na – PBBM

Susundan naman ito ng pelikulang "Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings," na pinagbibidahan nina Simu Liu bilang si Shaun o Shang-Chi, Tony Chiu-Wai Leung bilang si Xu Wenwu (Tony Leung), at Awkwafina bilang si Katy.

Kaugnay rito, nag-iwan ng mensahe si Awkwafina sa mga Filipino Marvel fans.

"What's up, Philippines! Are you ready for the epic super hero adventures? I am Awkwafina from Marvel Studio Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings. And I'm inviting you to come on this journey."

Samantala, Disyember 1 naman nakatakdang ipalabas ang Eternals.