Tuloy-tuloy sa kaniyang mga cryptic tweets ang komedyante, scriptwriter, at direktor na si John Lapus na bagama't wala naman siyang binabanggit, hula ng mga netizens ay patutsada sa mga nangyayari sa politika kamakailan lamang.

Ayon naman sa kaniyang latest tweet nitong Nobyembre 15, araw kung kailan natapos na ang deadline para sa mga nagnanais na mag-substitute sa kapartidong kandidato, "Tumatakbo yung mga sure talo. May balak yata ang mga ito."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang humabol sa filing/substitution sina Presidential Spokesperson Harry Roque, dating PNP Chief Guillermo Eleazar, at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, para sa pagka-senador.

May cryptic tweet din siya nitong Nobyembre 13 ng hapon. Bagama't wala naman siyang binanggit kung ano ang larangan o sino ang pinatutungkulan nito, agad na nagbigay ng palagay ang mga Twitter users na ang tinutukoy niya ay tandem nina presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. o Bongbong Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas, at vice presidential candidate Sara Duterte ng Lakas CMD na inanunsyo na ang pagtatambalan nitong Nobyembre 13.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/13/john-lapus-nakakatakot-at-nakakasuka-yung-combination-alam-mong-may-mga-balak/">https://balita.net.ph/2021/11/13/john-lapus-nakakatakot-at-nakakasuka-yung-combination-alam-mong-may-mga-balak/

Kilala si John bilang 'vocal' sa kaniyang mga saloobin at reaksyon sa mga isyu at usaping politikal sa bansa.