Itinanggi ni Presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go nitong Miyerkules, Nob. 17 ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tinanggihan ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) ang kanyang kahilingan na suportahan siya at ang dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr sa kanilang kandidatura sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Sinabi ni Go na hahayan niyang linawin ng pamunuan ng PDP-Laban ang usapin.

“I will let the PDP leadership clarify these matters in due time. Alam ko naman po na wala kaming tinatanggihan,” sabi ni Go sa isang pahayag.

“Being the administration party, we have always exerted efforts to reach out to those who are supportive of PRRD,” dagdag ni Go.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Aniya pa, suportado niya ang vice presidential bid ni Duterte-Carpio. Ang anak ng Pangulo ay tatako sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Duterte-Carpio ang ka-tandem ni Marcos habang wala pang pinangangalanang running mate si Go.

“With regard to Mayor Sara, we always wish her well. As I have said earlier, kung ako lang ang tatanungin, siya ang aking sinusuportahan sa pagka-Bise Presidente,” sabi ni Go.

Gayundin, binigyang-diin ni Go na sinunod niya ang mga patakaran at proseso ng parehong PDDS at ng ruling political party nang maghain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pangulo sa ilalim ng PDDS.

“The PDP Laban and PDDS have a very strong alliance. It is best to ask the PDDS and PDP Laban leadership regarding this matter,” sabi ni Go.

“We have joined the PDDS and have followed the internal rules and processes of both PDDS and PDP Laban. We are committed to the PDDS-PDP Laban alliance and will support the common candidates of both parties,” pagpupunto ni Go.

Nauna rito, sinabi ni Melvin Matibag, secretary general ng PDP-Laban Cusi faction na ang miyembro ng ruling party ay nanindigan sa alyansa nang magpasya itong suportahan ang alok sa pagkapangulo ni Go.

Naghain na rin si Pangulong Duterte ng kanyang COC sa ilalim ng PDDS nang magpasya siyang tumakbong senador sa Halalan 2022.

Hannah Torregoza