Humanga ang mga netizens sa ginawa ng gurong si Rhydell Pagador, 26 anyos, nagtuturo ng SPED at ICT sa Buyos Elementary School mula sa Sindangan, Zamboanga Del Norte, matapos niyang gawin ang 'extreme makeover' ng stockroom ng kanilang paaralan, hanggang sa maging kapaki-pakinabang na classroom ito.
"3 months of extreme makeover ng dating stockroom, ngayon isa nang classroom. Salamat Panginoon at itinawid Mo ako sa lahat ng hamon sa buhay," saad sa caption ng naturang Facebook post.
Ayon sa panayam ng Balita Online kay Sir Rhydell, ginawa niyang classroom ang stockroom dahil na rin sa kawalan niya ng pormal na silid-aralan sa paaralan.
"Yung first time ko ma-receive yung school assignment ko, wala po talaga akong formal classroom kaya yung stockroom ay ginawang silid-aralan. Teachers were considered as second parents at school so as classroom is also considered as their second home. Kaya I did an extreme makeover for the sole purpose of na pagbabalik na yung face-to-face classes, maging komportable ang mga bata and for the a quality delivery of education. For me it's not just a classroom but a ClassHome," aniya.
Tatlong buwan bago niya natapos ang kaniyang makeover at gumastos siya ng ₱25,000 dito.
Ano ang mensahe niya sa mga mag-aaral niya na gagamit nito?
"Feel at home lang kahit nasa classroom!"
Ano naman ang mensahe niya sa mga kapwa guro lalo’t unti-unti na ang pagbabalik ng face-to-face classes?
"Always stay positive. The life of a teacher is never easy, teachers are anchored to many responsibilities at home, classroom, school and in the community, but one thing I learned based on my personal experience is to be positive all the time, because once you set your goals in a positive manner no amount of challenges can defy you. A quote from Prime Minister Borries Johnson, 'There's always a light at the end of the tunnel'.
Congratulations, Sir Rhydell!