Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 1,190 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Miyerkules, Nob. 17.
Ipinakita ng case bulletin ng DOH na ang aktibong impeksyon sa buong bansa ay nasa 23,846 sa ngayon.
Limampu’t walong porsyento ng mga nahawaan ng COVID-19 ay may mild symptoms, 5.2 percent ang asymptomatic, limang porsyento ang nasa kritikal na kondisyon, 12 percent ang severe cases at 19.60 percent ang nasa moderate condition.
Ang COVID-19 related deaths ay umakyat din sa 46,117 matapos ang dagdag na 309 pang mga pasyente ang kumpirmadong namatay.
Kasama sa mga bagong naitalang pagkamatay ang “264 cases that were previously tagged as recoveries” ngunit “reclassified as deaths after final validation.”
Samantala, ang recovery tally ay tumaas sa 2,750,532 matapos ang 2,759 pang pasyente ang tuluyan nang gumaling, sabi ng DOH.
May kabuuang 2,820,494 na kaso ang naitatala sa bansa mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.
“Thirty-seven duplicates were removed from the total case count. Of these, 33 are recoveries,” sabi ng DOH.
“All labs were operational on November 15, 2021 while one lab was not able to submit its data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS).”
Analou De Vera