Sisilbihan ng show-cause-orders (SCOs) ang mga lokal na pamahalaan na nagkaroon ng pag-aaksaya ng coronavirus disease (COVID-19), sabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malayanitong Miyerkules, Nob. 17.

Sa isang news briefing, sinabi ni Malaya ang katiyakan na pananagutin ang mga LGU na may pag-aaksaya ng bakuna sa panahong naglalayong makapagbakuna ang gobyerno ng 1 hanggang 1.5 milyong indibidwal kada araw upang makamit ang herd immunity ngayong taon.

Gayunpaman, nilinaw ni Malaya na ang SCO ay ibibigay sa mga kinauukulang LGU matapos magbigay ng go signal si DILG Secretary Eduardo Ano.

Sa isang pahayag, sinabi ni Malaya na sa isang araw isasapubliko ng DILG ang mga LGU na pumalpak sa kani-kanilang mga program sa pagbabakuna.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Tinatapos na po namin at vinavalidate yung report mula sa National Vaccine Operations Center (NVOC). So baka po before the end of the week ay magkakaroon po kami ng issuance ng mga show-cause-orders as soon as aprubahan ni (DILG) Secretary Eduardo Ano yung issuance nito sa mga LGUs,” sabi ni Malaya.

Hinggil sa suliranin sa pag-encode ng vaccination data, kinumpirma ni Malaya na ang hindi sapat na bilang ng mga encoder ay naging hadlang sa proseso habang sinabing may pangangailangang kumuha pa ng higit na bilang at italaga sa mga partikular na LGUs.

Sa kabilang banda, ang mas mataas na vaccination rate ay lalong napapalapit sa target na population ptotection laban sa COVID-19.

Upang matugunan ang isyu, sinabi ni Mayala na binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang internship program upang mapadali ang pagkuha ng mga karagdagang mga encoder at malutas ang mga backlogs.

Para sa Metro Manila, sinabi ni Malaya na nagbukas ang DOLE ng 100 slots na itatalaga sa mga LGU na nangangailangan ng kanilang serbisyo katulad ng ginawa sa pagkuha ng mas maraming contact tracers noon.

“May mga pinadala rin po ang DILG at ang DOLE through TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) para po makapag hire (encoders) (The DILG and DOLE has sent through TUPAD to hire),’’sabi ni Malaya.

Chito Chavez