Hindi tinanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang mahigit 120 aplikante para sa partylist registration para sa Halalan 2022.

“126 applicants for Party List registration were denied by @comelec,” sabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Twiter nitong Miyerkules, Nob. 17.

Gayunpaman, hindi tinukoy ang mga nasabing grupo o ang dahilan kung bakit tinanggihan ang mga aplikasyon.

Nitong nakaraang buwan, inilabas ng Comelec ang listahan ng mga rehistrado o umiiral nang partylist groups.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa 118 registered parylist groups ang ACT-CIS, Bayan Muna, Ako Bicol, Cibac, Gabriela, Buhay, OFW Family, Kabataan bukod sa iba pa ang kasama rito.

Leslie Ann Aquino