Nanawagan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga local government units (LGUs) na ipatupad ang tatlong buwan na fishing ban sa Visayan Sea.

Paliwanag ni BFAR-6 Regional Director Remia Aparri, dapat na bumuo ang mga LGUs ng mga grupo na magbabantay sa karagatan upang maipatupad nang husto ang pagbabawal sa mga mangingisda na manghuli ng tamban, alumahan mula Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15 sa susunod na taon.

Layunin aniya ng pagbabawal na mapadami muna ang nanganganib na maubos na mga uri ng tinukoy na isda sa nasabing karagatan.

“We need to have sustainability and there should be momentum,” sabi nito.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kabilang sa mga lugar na ito ang northern Iloilo province, Olotayan Island hanggang Culasi Point sa Capiz, northern part ng Negros Island, at northeastern tip ng Bantayan Island Cebu.

Tara Yap