Naispatan ang 'Wowowin: Tutok to Win' host na si Willie Revillame sa launching ng 149th Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City, kasama ni presidential aspirant at senador na si Bong Go, nitong Nobyembre 16, kung saan, isa siya sa mga nagbigay ng talumpati sa maiksing programme para dito.

Sinabi niya na nagkausap umano sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City mayor Sara Duterte, bandang 3:00 ng madaling araw, na ibubunyag daw niya kung tungkol saan; subalit hindi raw ito tungkol sa napababalitang 'hinihilot' siyang maging running mate ni Sen. Go bilang pangalawang pangulo, sa halalan 2022.

Image
Larawan mula sa Twitter/PTV

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of 7 people, people sitting, people standing, indoor and text that says 'MALASAKIT CENTER an Lorenzo Ruiz General Hospital Malabon City B GMAY'
Willie Revillame at Bong Go (Larawan mula sa Twitter/PTV)

May be an image of 5 people, people standing and text that says '149th MALASA CENTE DU30 San Lorenzo Ruiz Gener Santulan Malabon BISYO ANG MA RUIZ GENERAL SIRETADA 1E MR. WILLIE REVILLAME'
Willie Revillame (Larawan mula sa Twitter/PTV)

Inamin ni Willie na nagkausap sila nina Pangulong Duterte at Senador Go kamakailan, subalit pinabulaanan niya ang mga chismis na pinapatakbo siya para sa isang national post, kundi para lamang sa pinaigting na paglilingkod sa bayan.

Kabilang pala si Willie sa 'Tutok to Win' party-list na hinango ang pangalan sa kaniyang programang Wowowin.

Matatandaang noong Oktubre ay inihayag mismo ni Willie sa kaniyang programa na hindi at wala siyang balak na pumasok sa politiko, bagama't kinukumbinsi siya mismo ni Pangulong Duterte na tumakbo siya bilang senador.

Sa halip na Certificate of Candidacy o COC, ibang 'COC' ang ipinakita niya sa programa: ang Copy of Contract niya sa GMA Kapuso Network, upang maipagpatuloy ang serbisyo-publiko sa pamamagitan ng kaniyang show.

“Hindi ko po kailangang kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo. Dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino ang panalo,” aniya.

“Ako po si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo dito lang ako sa 'Wowowin' para magsilbi sa inyo,” dagdag pa niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/07/willie-revillame-hindi-tatakbo-sa-senado-hindi-ko-po-kailangang-kumandidato/">https://balita.net.ph/2021/10/07/willie-revillame-hindi-tatakbo-sa-senado-hindi-ko-po-kailangang-kumandidato/

Inamin din ni Willie na hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral, at ayaw naman niyang magmukhang walang alam kasama ang mga kagalang-galang na senador ngayon, at baka mapagtawanan pa siya.

Marami naman ang pumuri sa naging hakbang na ito ni Willie dahil hindi umano siya nagpabuyo sa udyok ng mga kilala at litaw na tao para subukin niyang pasukin ang mundo ng politika; maaari naman daw tumulong sa mga kapwa-Pilipino kahit walang posisyon sa pamahalaan.