'How to be a Queen is back!'
Para sa mga nangangarap na mahasa ang talent at skills kung paano maging isang beauty queen gaya ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray, inihayag niya sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 13 na muling nagbubukas ang kaniyang 'The Catriona Gray Academy'.
Bukod sa mga 'Queens', bukas din ito sa mga 'Kings'.
"Hey Queens and Kings! I'm sooo excited to announce the resuming of my course: 'The Catriona Gray Academy' as we open up to all new applicants in the Philippines and around the world!," saad sa caption ng kaniyang Instagram post.
"I can't wait to meet all of my students! And I'm so proud of seeing the sense of community my existing students have created, supporting each other and encouraging each other as they navigate their individual paths to success!"
"I can’t wait to meet you and share my learnings with all of you!!"
Matatandaang noong Agosto 2021 ay pansamantalang nagsara ang kaniyang academy dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Nas Academy at kay Apo Whang-Od.
Noong Oktubre 2021, nagkaayos na ang dalawang panig, kaya balik-operasyon na rin ang The Catriona Gray Academy, ayon na rin sa anunsyo ng Cornerstone Entertainment sa kanilang opisyal na Instagram account.
"In this light, we have agreed to continue the partnership with the aim of making a positive impact to the lives of Filipinos through education," saad sa opisyal na pahayag ng management.
Bago ang kontrobersiya, ilan pa sa mga sikat na personalidad na magkakaroon ng course sa Nas Academy batay sa kanilang kinabibilangang larangan o field ay sina Jessica Soho, Michael Cinco, Erwan Heussaff, James Deakin, Mavrick Bautista, Carlo Ople, Moira dela Torre, Jason Magbanua, at Chinkee Tan.
Sa kasagsagan ng isyu hinggil sa Nas Academy, inihayag naman ni Jessica Soho na nagba-back out na siya rito, at hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung papayag pa ba siyang magkaroon ng course dito.