Nagpahayag ng pasasalamat si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mga Davaoeños nitong Martes, Nob. 16 sa paglulunsad ng grupong Davao for Leni sa Facebook sa kabila ng pagiging balwarte ito ng pamilyang Duterte.

Layunin ng grupong Davao for Lenin a maipalaganap ang kamalayan tungkol sa mga programa ni Robredo sa buong rehiyon ng Davao. Ang page na nagsasabing ‘hindi lahat ng Dabawenyo ay DDS (Diehard Duterte Supporters),” ay kasalukuyang mayroong mahigit 25,800 followers at mahigit 19,700 likes.

Sa pamamagitan ng Zoom, nagpasalamat si Robredo sa pagsisikap ng kanyang mga tagasuporta sa pangangampanya at paglikom ng pondo para sa kanya.

“They make all the difference and give us hope and strength for the coming months. Syempre, lalo ring nakakataba ng puso,” ani Robredo.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Idinagdag ng presidential aspirant na ang laban sa hinaharap ay magiging isang mahabang labanan ngunit tiniyak niya sa kanyang mga tagasuporta na makakasama niya sila sa kanyang pagsuong dito.

“Sabi ko nga, tumindig kayo dahil kasama nyo rin akong titindig para sa tama, mabuti, at makatarungan. Tiwala akong kayang-kaya nating marating ang Pilipinas na pangarap natin,” sabi ni Robredo.

Nangako siya na kahit siya ay naglilibot sa bansa para pangasiwaan ang mga programa ng OVP, patuloy siyang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Angat Buhay projects ng kanyang opisina at ilan ipang inisyatiba sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng grupo na binubuo sila ng iba’t ibang kinatawan, karamihan ay mga kabataan mula sa Davao at Maynila na nakilala lamang sa pamamagitan ng online assembly nang tumawag ng volunteer ang Team Leni Robredo.

“Ang iba sa amin ex-DDS na naghahangad ng pagbabago sa kasalukuyang pamamahala,” pagbabahagi nila.

Sinabi ni Nuelle Duterte, pamangkin ng Pangulo at isang kilalang kritiko ng kanyang tiyuhin na sinusuportahan niya si Robredo dahil alam niya kung ano ang dapat unahin.

“Umaksyon agad sa emergencies,” pagbabanggit niya.

Si Nuelle ay anak ng bunsong kapatid ng Panguli na si Emmanuel o “Blueboy” ayon sa mga ulat.

Sinabi naman ng ibang grupo na iboboto nila si Robredo sa 2022 dahil siya ay may kakayahan at may malinaw na plataporma para sa mga marginalized sector.

Pinuri rin nila ang Bise Presidente sa hindi pagkakasangkot nito sa mga alegasyon ng katiwalian, dahil hindi siya “sinungaling,” at “murderer.”

Hindi ito ang unang regional group na inilunsad ng mga tagasuporta ni Robredo sa Facebook. Mayroon din siyang mga pages sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kabilang ang Cagayan sa hilaga hanggang sa Mindanao sa timog bahagi ng Pilipinas.

Raymund Antonio