Nilinaw ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ang paggawa ng mga ordinansa na nagbabawal na pumasok sa mga mall ang mga menor de edad sa partikular na edad at mga hindi pa bakunadong indibidwal ay nakasalalay pa rin sa mga local na pamahalaan depende sa sitwasyon ng kanilang lugar sa gitna ng coronavirus pandemic (COVID-19).

Ito ang iginiit ng Kalihim ng Gabinete sa kanyang unang press briefing bilang tagapagsalita ni Duterte noong Martes, Nob. 16 nang humingi ng mga paglilinaw sa pahayag ng Pangulo sa kanyang pahayag sa publiko kamakailan kung saan hiniling niya sa LGU na gumawa ng naturang ordinansa sa gitna ng maluwag na alert level status sa ilang lugar sa bansa.

Ani Nograles, malinaw ang naging pahayag ng Pangulo.

“So, ang panawagan po ni Pangulong Duterte is for LGUs to consider passing ordinances. So, depende sa lugar, depende sa sitwasyon, sa mga circumstances doon sa kanilang lugar ay tingnan nila kung ano ang pinakamabuti para sa kanilang local jurisdictions at base na rin sa siyensya kung ano yung mga in-aadvise sa kanila ng health experts,” sabi ng opisyal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya pa, nasa ilalim pa rin ng diskresyon ng mga LGU kung gagawa o hindi ng mga lokal na batas na maglilimita sa mobility ng mga bata at hindi bakunadong indibidwal sa kanilang mga lugar.

“So, it will depend on the LGUs and kami naman sa IATF ay merong (and we in the IATF will have a) meeting tomorrow. So, let’s see if it will be part of the agenda,” sabi niya.

Ang panawagan ng Pangulo ay narinig kasunod ng apela ng Department of Health (DOH) na maging maingat sa pagdadala ng mga bata sa labas, lalo na sa mga matataong lugar.

Binigyang-diin ng DOH na ang dahilan sa likod ng pagpayag s amga bata na lumabas sa gitna ng pagluluwag ng quarantine restrictions ay upang bigyan sila ng pagkakataong mag-ehersisyo at makipag-halubilo sa ibang mga bata, hindi upang dalhin sa mga mataong lugar.

Sa kanyang public address nitong Lunes ng gabi, Nob. 15, sinabi ni Duterte a “hindi naming maaaring payagan ang mga wala pang 12 taong-gulang o mga magpapabakuna pa lang na mahawaan sa COVID-19.

“Again, to the parents and guardians of minors who are unvaccinated, please be mindful of the risk. Part of caring for them is thinking about their safety. I hope no one among our children will get COVID-19,” sabi ni Duterte.

Betheena Unite