Bumuhos ng lungkot at pangungulila sa Facebook ng folk and rock singer na si Heber Bartolome. Pawang gulat ang mga friends ni Heber sa masamang balita. Hindi sila makapaniwala dahil kaka-celebrate lang ng birthday ni Heber last Nov. 9 at plano pa raw sanang magkaroon ng concert sa Nov. 30.

Ayon sa post sa FB ng kaibigan ng OPM legend,8:30 dawng gabi ng Lunes, Nov. 15 sumakabilang buhay si Heber at sa edad na 73. Pero walang sinabi kung ano ang cause of death. Sa interview namanng ABS-CBN news sa kapatid ni Heber na si Jesse nawalan daw ng pulso ang singer kaya naisinugod pa nila ito sa hospital.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakilala noon ng husto si Heber sa kanyang mga awitin gaya ng "Tayo'y mga Pinoy," "Pasahero," "Almusal," "Inutil na Gising," at "Karaniwang Tao." Siya ang founder noon ng Banyuhay na isang "protest band" na dala ang tatak ng katutubong musical instrument na Kubing.

Paalam sa isang haligi ng musika, Heber Bartolome.