Pabor si Speaker Lord Allan Velasco na payagan ang medical at nursing students na magboluntaryo bilang vaccinators sa ilalim ng National COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Program (DVP) ng pamahalaan.

Ayon sa Speaker, ang ganitong hakbang ay magkakaloob ng "major boost to the government’s critical public health mission of inoculating 90 percent of the population against the deadly coronavirus.”

“By tapping medical and nursing students in the vaccination program, the government will rapidly expand access to COVID-19 vaccines, which is crucial to reaching the herd immunity threshold we need to return to normal life,” ani Velasco.

Matagal nang isinusulong ni Velasco ang COVID-19 vaccination bago pa simulan ng bansa ang unang pagtuturok ng coronavirus vaccines noong Marso sa paniniwalang isa ito sa pinakamahalagang instrumento para matuldukan ang pandemic.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ito ang dahilan kung kaya inakda niya ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, na ang layunin ay bilisan ang pagbili at pangangasiwa ng COVID-19 vaccines at magtatag ng isang pondo o indemnity fund na gagastusin sa mga indibidwal na makararanas ng di-magandang epekto ng bakuna.

Aniya, ang adhikain ay "masiguro na bawat Pilipino ay magkaroon ng akses sa ligtas at epektibong bakuna na siyang pinakamabuting paraan upang malupig ang virus at nang makabangon ang ekonomiya ng bansa."

Nitong Mayo 2021, hiniling niya sa gobyerno na gamitin ang serbisyo ng nursing graduates na hindi pa nakakuha ng board examinations, bilang "complementary manpower amid the shortage of health workers in the country."

Ipinaliwanag niyang ang ganitong “underboard nurses" ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng superbisyon ng isang rehistradong nurse o doktor sa pamamagitan ng isang special arrangement sa Professional Regulation Commission (PRC).

Bert de Guzman