Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes, Nob. 16 na sarado pa rin ang Pilipinas para sa mga dayuhang turista.

“The country remains closed to foreign tourists. Only those under the allowed categories as set by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, if coming from green or yellow countries may be admitted to enter,” sabi ni Immigration Commissioner Jaime Morentesa isang pahayag.

Binigyang-diin ni Morente na bagama’t may nakapagpapatibay na senyales na maari na muling buksan ng bansa ang mga borders nito, patuloy na paghihigpitan ng BI ang pagpasok ng mga dayuhang turista hanggang sa magpasya ang gobyerno na alisin ang travel ban.

Sa ngayon, tanging mga Pilipino, balikbayan at mga dayuhan na may valid at existing visas na inisyu ng BI at iba pang specialized government agencies ang pinapayagang makapasok sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga nais bumiyahe sa Pilipinas via tourist visa ay maaaring pahintuluyang kung mag-aplay sila para sa  9(a) temporary visitors’ visas and an entry exemption document (EED) mula sa mga post ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sinabi ni Morente na habang handa ang BI para sa tuluyang muling pagbubukas ng bansa sa mga dayuhang turista, magmumula sa Pangulo at sa IATF ang pinal na pasya nito.

Inilabas ni BI chief ang pahayag kasunod ng mga ulat na ang mga tanggapan ng bureau ay napuno ng mga katanungan mula sa mga taong nag-aakala na maaari nang makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista matapos bumaba sa Alert Level 2 status ang quarantine status sa Metro Manila.

“We advise the public to refer to our website and social media pages to keep themselves updated on our latest advisories on guidelines and requirements for international travelers,” ani Morente.

Nauna nang sinabi ng Palayo na bubuksan ang bansa sa mga dayuhang turista “in due time.”

Jun Ramirez