Nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Chief Justice Alexander ang bagong hinirang na Supreme Court (SC) Justice na si Jose Midas P. Marquez nitong hapon ng Martes, Nob 16.

Si Justice Marquex na dating tagapangasiwa ng Korte Supreme mula taong 2010 ay ay pupuwesto sa naiwang posisyon ni Associate Justice Edgardo L. Delos Santos nitong Hunyo 30.

Ang kanyang appointment papers ay ipinadala sa opisina ni Chief Justice Gesmundo sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Martes, Nob. 16.

Bilang associate justice, inaasahang magsisilbi si Marquez sa SC hanggang 2036 kapag siya ay umabot sa edad na 70, ang retirement age para sa mga miyembro ng hudikatura.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Nakumpleto ng kanyang appointment ang 15 memberships sa SC.

Sa Enero sa susunod na taon, sa oras na magretiro si Associate Justice Rosmari D. Carandang, ang Judicial and Bar Council (JBC) – ang konstitusyonal na tanggapan na tumatanggap, nagsasala, at nagmumungkahi ng mga appointment sa hudikatura – ay magbubukas ng aplikasyon at nominasyon sa puwesto.

Naipasa ni Marquez ang bar examinations noong 1994. Nakuha niya ang Bachelor of Arts degree in Economics noong 1987 at ang kanyang Juris Doctor degree noong 1993, parehong mula sa Ateneo de Manila University.

Sinimulan niya ang kanyang karera sa SC bilang isang apprentice na gumagawa ng mga legal research. Siya ay naging regular law clerk at nagsilbi sa ilang mahistrado kina Justices Reynato S. Puno at Renato Corona, Senior Associate Justice Josue N. Bellosillo at Associate Justices Abraham Sarmiento and Ameurfina Melencio Herrera.

Siya ay hinirang bilang ika-14 na court administrator noong 2010. Bilang court administrator, nagsilbi rin siya bilang SC Spokesman at head ng public information office (PIO).

Rey Panaligan