Nakaranas umano ng diskriminasyon ang komedyante-vlogger na si Empoy Marquez habang siya ay nasa Paris, para sa shooting ng kanilang comeback project ni Alessandra De Rossi.

Sa panayam sa kaniya ng co-star sa 'Niña Niño' at manunulat ng Manila Bulletin Entertainment Section na si Giselle Sanchez, inamin ni Empoy na kaya hindi siya nakapag-uload ng bagong vlogs habang nasa Paris, may isang 'nakakatakot' umano siyang karanasan habang nagtatangka siyang mag-shoot para nga sa kaniyang YT channel.

“I tried my best, but I guess my best was not enough, Ate Giselle. Nag-shoot po ako doon tapos sinagawan ako ng isang Parisiano parang pulis yata siya o guard kasi naka-uniporme, sinita ako at sinabi, ‘Hey hey hey’, are you Afghan?”

"I said, no, of course not, I’m Malaysian… joke lang Ate Giselle. Natakot po ako, di po ako nakasagot, kaya umalis na lang po ako. Bumalik na lang po ako sa hotel. Simula noon, di na po ako masyado nagpapapasyal nang mag-isa. Lalabas lang po ako kasama ng grupo o kasama si Alex (Alessandra De Rossi)."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Empoy Marquez (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Eiffel Tower (Larawan mula sa Manila Bulletin)

"Konti nga lang po pictures ko kasi natakot na ko mag-shoot baka masita pa uli ako.”

Kilala pa naman daw ang mga Parisian police officers sa paninita sa ibang mga etnisidad na gumagala o namamasyal sa kanilang lugar.

Anyway, ang unang hit movie na pinagtambalan nina Empoy at Alex ay 'Kita Kita' noong 2017, at ito rin ang unang lead role ni Empoy sa pelikula.