Humigit-kumulang 50,000 data encoders ang kakailanganin para sa ikakasang tatlong araw na national vaccination drive laban sa coronavirus disease (COVID-19), ngayong buwan, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kasado ang malawakang pagbabakuna ng gobyerno sa buong bansa na layong mabakunahan ang limang milyong tao kada araw o 15 milyong indibidwal mula Nob. 29 hanggang Dis. 1.

Sinabi ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic na ang karagdagang encoder ay ide-deploy uoang matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pag-encode ng impormasyon ng mga tatanggap ng bakuna.

“Kailangan natin ng mga almost 50,000 data encoders para matulungan ang ating mga LGUs lalung-lalo na sa mga lugar na kulang ang kanilang mga marunong mag-encode,” sabi ni Caintic sa isang press briefing nitong Nob. 15.

Makasaysayang MMFF trophy, proud na inirampa ng mismong designer nito

“Open siya sa lahat, mayroon tayong sign-up, mayroon tayong training at mayroon tayong coordination na gagawin na maayos. Para ang datos pumasok sa ating vaccination operations center,” dagdag niya.

Sinabi ng DICT na maglalagay ito ng sign-up sheet sa mga susunod na araw para sa mga gustong sanayin na mga data encoder na itatalaga sa mga LGU paea sa paparating na three-day national vaccination drive.

Hinimok ni Caintic ang mga LGU na magtalaga ng mga karagdagang data encoder na masusubaybayan ang pag-upload ng impormasyon ng mga vaccine recipient upang maiwasa ang pagkaantala sa paglalabas ng vaccine certificate certificates.

“Ang malaking sanhi talaga is nasa mga data encoding. Nandoon man sa kanila ang datos, hindi pa nila nailagay sa system, hindi pa nila nailagay para mai-upload,” sabi ng opsiyal.

“Nasa mga 30 percent na naman ulit ang ating mga backlog ng ating mga LGUs,” dagdag niya.

John Aldrin Casinas