Hinimok ni dating Senador at incumbent Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero ang Department of Education (DepEd) na palawakin ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga lugar na wala nang COVID-19.

Kasabay nito, pinuri ni Escudero ang DepEd dahil isinama ang Buenavista Elementary School sa Bacon District ng Sorsogon City, sa 100 elementary school na napiling lumahok sa nationwide pilot run.

“Kami sa lalawigan ng Sorsogon ay nagpapasalamat sa DepEd pagkakasama ng isa nating paaralan para sa pilot run ng limited face-to-face learning,” ani Escudero.

“I hope they could eventually expand the list and include more schools from Sorsogon,” dagdag pa niya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sinabi rin ni Escudero na matagal na siyang umapela sa Inter-Agency task Force at DepEd na palawakin ang limitadong in-person classes nito sa Sorsogon, kung kinukonsidera ang 50 porsyento ng kanilang barangay ay walang kaso ng COVID-19.

“Pwedeng magklase subject to rigid health protocols,” aniya.

Ayon kay Escudero, batay sa ulat ng Sorsogon Provincial Information Office (SPIO), naging maayos ang unang araw ng face-to-face class noong Lunes, Nob. 15.

Kaugnay nito, bukod sa 100 public schools, lalahok din ang 20 private schools sa pilot run sa Nob. 22.

Hannah Torregoza