URBIZTONDO, Pangasinan-- Natukoy ng awtoridadang ilang katao na posibleng may kinalaman sa carnapping incident at kabilang na rito ang pagkakasangkot ng dalawang miyembro umano ng PNP.
Sa panayam ng Balita kay Police Major Napoleon Eleccion Jr, hepe ng Urbiztondo Police, nagkaroon sila ng lead sa tulong ng Land Transportation LTO at Highway Patrol Grouppara matukoy ang salarin.
Ang kasong paglabag sa RA 6539 (anti-carnapping act of 1972 ) ay isinampa laban sa tatlongkataosa Provincial Prosecutor sa San Carlos City.
Pansamantalang hindi pinangalanan ang mga ito habang nagsasagawa ng follow up operations ang mga law enforcement unit sa iba pang sangkot.
Nauna rito, iniulat ng PNP Urbiztondo ang naganap na panunugod ng 10 armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet sa tahanan ni Jerson Cedeno, 35, negosyante, sa barangay Bayaoas noong October 31.
Iginapos ang biktima saka tinangay ang kaniyang sasakyan na Foton Van at kawasaki Ninja motorcycle na ang halaga ay tinatayang nasa mahigit sa P1 milyon.
Sa tulong ng CCTV ng ilang residente natunton ang pagkakilanlan sa salarin at nasundan angkanilang hide out sa barangay Palaming, San Carlos City at sa barangay Macabito, Calasiao, Pangasinan.
Nang ikasa ang magkakasunod na araw na follow operations nitong Nobyembre, nadatnan ang 2 caretaker sa magkahiwalay na lugar.
Ang isangnaaabutan sa Macabito, Calasiao ay positibong tinukoy ng testigo na kasama sa nagkarnap noong October 31 at doon din natagpuan ang kinarnap na motorcycle.
Liezle Basa Inigo