DAVAO CITY - Nasa kustodiya na ngayon ng Senado ang magkapatid na opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos arestuhin ng mga tauhan ng Senate security team sa Davao City International Airport nitong Linggo ng hapon.

Hindi na nakapalag nina Pharmally president Twinkle Dargani at Mojit, corporate secretary ng kumpanya, nang dakmain sila ng Senate security sa loob ng LearJet 60 na pag-aari ng isang kumpanya na naka-base sa Singapore, na paalis na sana patungong Kuala Lumpur sa Malaysia.

Sa flight history ng eroplanong may flight number na VH-AND, umalis ito sa Singapore nitong Nobyembre 14 at kukuha sana ng mga pasahero sa nasabing lungsod.

Kabilang din sa nadakip ang ikatlong pasahero na hindi naman kasama sa lookout order, gayunman, pinagbawalan pa rin itong lumabas ng bansa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matatandaang na-cite in contempt ang magkapatid noong Oktubre 19 matapos silang tumanggi na iharap sa Senado ang hinihinging financial documents kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ngSenate Blue Ribbon Committee sa umano'y iregularidad na pagbili ng pamahalaan ng medical supplies na panlaban sa pandemya ng COVID-19.

Partikular na iniimbestigahan ng Senado ang transaksyon ng kumpanya sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay ng pagbili ng₱8.68bilyong umano'y overprice na personal protective equipment at testing kits.

Zea Capistrano at Keith Bacongco