ILOCOS SUR - Isang babaeng tesurero ng Sangguniang Kabataan ang umano'y nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay Manangat, Caoayan nitong Linggo ng gabi.
Sa ulat ng Caoayan Police, nakilala ang umano'y biktima ng pagpapatiwakal na siHannah Isabel Reotita, 22, at taga-naturang lugar.
Sa pahayag ng kapatid na lalaki, natagpuan niya ang dalaga na nagpatiwakal umano sa kanyang kuwarto.
Natuklasan din ng mga awtoridad na nagkaroon umano ng problema ang dalaga sa kanyang trabaho bilang tesurero ng SK.
Gayunman, iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso.
Erwin Beleo