DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao – Sisimulan ng mga awtoridad na namamahala sa border quarantine checkpoints sa lalawigan ang patakarang “No vaccine card, no entry” sa Martes, Nob. 16

Ayon kay Maguindanao police director Col. Jibin Bongcayao, ang pagpapatupad ng bagong patakaran sa border checkpoints ay batay sa executive order na inilabas ng pamahalaang lalawigan.

“We have given the public about two weeks about it, and we have conducted an information drive that starting tomorrow (Nov. 16) we will require vaccination cards for those coming to the province,”sabi ni Bongcayao sa isang panayam sa radio nitong Lunes.

Sabi ni Bongcayao, ang mga walang vaccination card ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) na may three-day effectivity.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“While the Covid-19 infections have slowed down, the threat of the disease remains,”dagdag niya.

Dagdag niya, ang mga dadaan lamang o pupunta sa ibang lugar ngunit kailangang dumaan sa mga pangunahing daanan ng lalawigan ay dapat ding magpakita ng vaccination certificate.

Ang Maguindanao ang napapaligiran ng mga lalawigan ng Sultan Kudarat, North Cotabato at Lanao del Sur.

Philippine News Agency