Masayang masaya ang baguhang sexy actor na si Paolo Gumabao nang makarating sa kanya ang magandang balita na nanalo siyang Best Actor sa katatapos lamang na taunang 28th Filipino International Cine Festival 2021 o FACINE 28 para kaniyang kauna-unahang pelikulang pinagbidahan na 'Lockdown.
Ang nasabing pelikula ay nanalo ring Best Film Gold ka-tie ng 'Midnight In A Perfect World' sa San Francisco, California. Ka-tie din naman ni Paolo sa Best Actor award ang kapwa Pinoy comedy actor na si Jerald Napoles na tampok naman sa pelikulang 'Ikaw at Ako at ang Ending'.
Nagbigay ng mensahe ang aktor sa pamunuan ng FACINE, na hindi pa rin makapaniwala na meron na siyang international recognition para sa kaniyang pag-arte, kahit na baguhan pa lamang siya.
“Wow! I’m just lost for words… winning a Best Actor Award has been my dream since I was just a little kid and now that it’s here I can’t help but feel grateful for everyone who stood by me on my journey," ayon sa Intagram post ni Paulo, na kabilang din sa katatapos lamang na teleseryeng 'Huwag Kang Mangamba'.
“Thank you Direk Joel Lamangan and Sir Jojo Barron for giving me the opportunity of playing this amazing role that pushed me to my limits. I’m sharing this award with my idol (I’m a huge fan) @iamjnapoles who is commonly known for his comedic style but in this film (Ikaw at Ako at Ang Ending) displayed depth and vulnerability in his craft. Congratulations brother @iamjnapoles and Congratulations to team #ikawatakoatangending ! Sana magkatrabaho tayo soon kapatid! God Bless you and your whole team!"
“I would also like to thank FACINE for appreciating our craft and sharing our craft to the whole world,” masaya pang pahayag ng aktor.
Samantala, naiuwi naman ng veteran director na si Joel Lamangan ang Best Directing Gold kaloob din ng FACINE 28 para kanyang pelikulan Lockdown habang si Bela Padilla ang wagi sa Best Lead Actress Gold sa role niya bilang recovering alcoholic movie star sa pelikulang On Vodka, Beers And Regrets.
Kuwento ng isang dating OFW ang role ni Paolo na napilitang maging cybersex male worker dahil sa kahirapan. Si Jerald naman ay isang ill-fated bagman sa pelikulang idinirek ni Irene Emma Villamor.
Ador V. Saluta