Ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay nagdulot ng malaking problema hindi lamang sa mga magulang kundi maging sa mga estudyante pagdating sa kanilang emotional, behavioral at psychological concerns na hadlang sa kanilang pag-aaral, sabi ng Commission on Human Rights (CHR).

Gayunpaman, sinabi ng CHR na walang humpay din ang paggawa ng gobyerno ng mga hakbang upang matugunan ang nasabing suliranin. Isa sa mga hakbang na ito ang House Bill (HB) No. 0284 sa panukalang State Universities and Colleges (SUCs) Mental Health Service Act.

Bukod sa pagtugon sa mga mental health concerns ng mga estudyante, ang HB 0284 ay maghahanda rin sa mga miyembro ng faculty at iba pang non-teaching personnel sa paglikha ng mga ligtas na espasyong nakatutulong sap ag-aaral.

“We thank the House of Representatives for the approval of this bill on its second reading, and we hope for its expedited approval to help students in higher education institutions (HEIs) cope better with the pressures brought about during this pandemic,” sabi ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia nitong Lunes, Nob. 15.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni De Guia na nakipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa Southeast Asian Ministers of Education Tropical Medicine and Public Health Network (SEAMEO TROPMED) para sa pilot testing ng isang School Mental Health Model.

“The School Mental Health program will feature modules and a screening tool to explain mental health issues, and give psychosocial support and services to students as well as school personnel,” sabi ng tagapagsalita ng CHR.

Ipinunto niya na ang mga programa ay mamatulong na matiyak na ang mga mag-aaral sa basic education au magkakaroon ng mas maayos na access sa mental healthcare.

“At a time when numerous students are feeling the pressures of online schooling, the aforementioned actions are a timely response to ensuring a comprehensive set of solutions to the growing problems of student burnout in all levels of education,” pagpupunto ng opisyal.

Samantala, sinabo ni De Guia na hinimok ng CHR ang bawal paaralan na bumuo din ng sarili nitong mental health policy para sa mental well-being ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.

Jel Santos