CEBU CITY – Nasurpresa umano si Pangulong Duterte sa pagbisita ni Senator Manny Pacquiao sa Palasyo noong Nob. 9.

Ito ang ibinunyag ni Pacquiao na itinangging nag-gatecrash sa Palasyo upang makaharap ang Pangulo.

Sa isang press briefing noong Linggo pagkatapos ng pakikipagpulong sa iba’t ibang sektor sa lungsod, sinabi ni Pacquiao na sinabihan siya na pre-arranged ng isang common friend ang nasabing meeting.

“I was surprised when a friend who knows someone from Malacañang told me that the President wants to talk to me. Who am I to refuse to talk to the President,” sabi ni Pacquiao.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Bilang paggalang sa Pangulo, nagtungo ang senador sa Palasyo ngunit nasurpresa ang Pangulo sa kanyang pagpunta.

“That’s the real story. The President was also surprised because he didn’t know that we were going to meet,” sabi ni Pacquiao.

Aniya, sinamantala niya ang pagkakatan na humingi ng paumanhin sa Pangulo para sa kanyang mga naging maaanghang na pahayag laban sa katiwalian sa gobyerno.

Nagkalamat ang relasyon ng dalawa nang sila ay masangkot sa word war matapos ang mga tirade ni Pacquiao na nananatiling talamak ang korapsyon sa administrasyon ni Duterte.

“I apologized. I said sorry if he was offended by my comments in my fight against corruption,” sabi ni Pacquiao.

Sa pagpupulong din nagsabi ang Pangulo na hindi niya maususportahan ang senador sa kampanya nito sa pagka-pangulo para sa Halalan 2022.

“He told me that he has already chosen someone. I did not ask who anymore. He said he has chosen a candidate because it was only the first time that we were able to meet after a long while. I told him it was alright and that I respect his decision,” sabi ng senador.

Calvin Cordova