Pinabulaanan na ni Kuya Kim Atienza ang mga kumakalat na isyu na pinasasaringan umano niya ang pinanggalingang noontime show noon sa Kapamilya Network, ang 'It's Showtime', dahil sa naging cryptic comment niya hinggil sa shared Facebook post ni 'Mars Pa More' co-host Camille Prats, sa pagkakatalaga kay John Prats bilang bagong direktor ng 'FPJ's Ang Probinsyano'.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/">https://balita.net.ph/2021/11/14/kim-atienza-may-pinatutsadahan-nga-ba-tungkol-sa-sakit-ng-ulo-comment-niya-kay-camille-prats/
Ayon sa kaniyang latest tweet nitong Nobyembre 14, sinabi niya na wala siyang pinatutungkulan o ibig sabihin sa 'kontrobersyal' na komentong iyon kay Camille. Mahal umano niya ang Showtime family niya at wala siyang sasabihing masama laban sa kanila.
"I didn't mean anything negative w my comment. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking w a skeleton crew etc. I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone," saad niya.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
"People these days come up with imaginary things that do not conform with reality. Hayaan mo sila Kuya Kim. There is nothing wrong with your comment. Malicious minds come up with malicious intent."
"Less talk, less mistakes 'ika nga. A simple '6-word statement can turn your world upside down. Medyo hindi nga maganda sa tenga yung sinabi n'yo po pero tanggap ko paliwanag mo kasi malawak pang-unawa."
"Maybe may mas appropriate word to best describe the situation kaysa sa 'iniiwas sa sakit ng ulo'. People just got sensitive after being identified as 'toxic' and after all the things that happened. Emotions cloud ones judgement."
"Paano ba mabuhay sa mundo na wala ang hate. Love, love, love tayo guys… be happy na lang tayo sa sarili nating buhay huwag na tayong makialam sa buhay ng iba…"