Mayroon pang 630 karagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant ang natukoy sa bansa, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang 630 karagdagang bagong kaso ay natukoy mula sa 666 samples na nakolekta nila noong Marso, Setyembre, Oktubre at Nobyembre, at isinailalim sa genome sequencing noong Nobyembre 12.

Nabatid na bukod sa 630 na Delta variant cases, may isa ring kaso ng Alpha variant na nadiskubre.

Sa kabuuan, mayroon ng 6,612 na Delta variant cases, 3,577 na Beta variant cases, at 3,129 na Alpha variant cases sa bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mary Ann Santiago