Pinaalalahanan ang publiko na ang dahilan ng pagpayag sa mga bata na makalabas sa gitna ng pagluluwag ng mga restrictions ay upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-ehersisyo at makipag-halubilo iba pang mga bata, hindi para dalhin sila sa mga mataong lugar.

Inulit ito ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Nob. 15, upang balaan ang publiko sa pagpunta sa mga matataong lugar kasama ang kanilang mga anak.

Ipinunto ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bagama’t ipinapakita ng epidemic curve ng bansa na bumaba pa sa 15 percent ang mga kaso nitong linggo, pinayuhan niya ang publiko, lalo na ang mga magulang na manatiling responsable sa pag-iwas sa kanilang mga anak sa mga lugar kung saan posible ang hawaan ng coronavirus disease (COVID-19).

“Kung kailangan lalabas at pumunta sa mataong lugar, ‘wag na isama mga bata,” ani Vergeire sa isang press briefing.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Please remember, children were allowed to go out is because for them to exercise, get sunlight, interact with other kids. Not for them to be brought to crowded establishments like malls,” pagpupunto ni Vergeire.

Binanggit din ng health official na ang mga batang wala pang 5 taong-gulang ay hindi kinakailangang magsuot ng face mask dahilan para maging bulnerable sila sa matataong lugar.

Sa kabilang banda, ang mga establisimiyento ay dapat ding regular na suriin kung takagang sumusunod sila sa itinakdang kapasidad ng gobyerno.

“It should work both ways. Establishments must be able to comply with what was issued as policy of the IATF with regards to capacity. The local government units (LGUs) must also enforce the policies and the strict enforcement on the required capacity,”sabi ni Vergeire.

“It should serve as a warning to all of us. If this will continue, the probability na tumaas kaso in coming weeks nandiyan. Dapat lahat very cautious, comply with minimum public health standards, LGUs and establishments must enforce protocols para ‘di na tumaas ang kaso,” dagdag niya.

Mula Nob. 15, ang bansa kabilang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng low risk classification. Tanging ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang nananatiling nasa moderate case classification.

Betheena Unite