Pormal nang naghain ng kandidatura sa pagkasenador si Dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar nitong Lunes, Nobyembre 15.

Naghain ng certificate of candidacy si Eleazar matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Para sa Demokratikong Reporma sa ilalim ni Presidential aspirant at Senador Panfilo "Ping" Lacson.

Pinalitan ng dating PNP chief si Paolo Capino na nagwithdraw ng COC noong nakaraang linggo.

Matatandaan na ngayong araw, Nobyembre 15, ang huling araw ng paghahain ng substitution.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Leslie Ann Aquino & Nicole Therise Marcelo