Ibinida ng Department of Education ang ilang mga eksena sa limitadong pagbabalik-face-to-face ng mga klase, para sa kanilang pinagplanuhang pilot implementation nito, nitong Lunes, Nobyembre 15.
Sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page na 'DepEd Philippines', ibinahagi nila ang iba't ibang mga litrato ng sitwasyon sa mga paaralan mula sa iba't ibang lalawigan.
"Ligtas at maayos na nagbalik-silid-aralan ang ilan sa mga mag-aaral ng Dumalneg Elementary School sa Ilocos Norte ngayong unang araw ng pilot implementation ng face-to-face classes. Ang mga larawan ay mula sa Facebook page ng DepEd Tayo Ilocos Norte," ayon sa isang Facebook post na hinango nila mula sa DepEd page mula sa Ilocos Norte.
"Matagumpay na bumalik sa paaralan ang mga katutubong mag-aaral ng Burgos Elementary School sa Botolan, Zambales. Dito ay may 85 na mga mag-aaral ng K to 3 ang kasali sa pilot implementation ng face-to-face classes. Ang Burgos ES ay isang IP school at may kalayuan din ang lokasyon nito mula sa bayan kung kaya’t umaabot ng ilang oras bago makarating dito. Iniangkop ng mga guro at iba pang opisyal ang mga paalalang nakapaskil ayon sa pangangailangan at kultura ng mga mag-aaral at komunidad," ulat naman nila para sa Zambales.
"Nagbalik na sa kanilang silid-aralan ngayong unang araw ng pilot implementation ng face-to-face classes ang ilan sa mga Grade 11 at 12 learners ng Mary Perpetua E. Brioso National High School sa Tigbao, Milagros Masbate," para naman sa Rehiyong Bicol.
"Ang mga paaralang kabilang sa implementasyong ito ay nagpapatupad ng mahigpit na safety protocols sa loob ng silid-aralan. Kinakailangan ding dumaan ng mga guro, mag-aaral, at iba pang opisyal sa washing area, temperature checking, at triage area upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa paaralan."
Para naman sa Aklan, "Masiglang bumalik ang mga estudyante ng Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas, Aklan sa loob ng silid-aralan. Sinalubong sila ng kanilang mga guro mula pa lamang sa gate ng paaralan. Kinakailangang dumaan ng mga guro, mag-aaral, at iba pang opisyal sa washing area, temperature checking, at triage area upang masiguro ang kaligtasan ng lahat sa paaralan."
Pasilip naman sa isang paaralan sa Rehiyon VIII, "Macatingog Integrated School is ready for the pilot implementation of face-to-face classes! Director Evelyn R. Fetalvero of DepEd Region VIII , together with Assistant Regional Director Bebiano I. Sentillas, visited the pilot schools in Calbayog City on November 5-6, 2021."
"The Macatingog Integrated School will offer the limited face-to-face classes to Kindergarten (32 learners), Grade I (45 learners), Grade II (50 learners), and Grade III (33 learners) observing stringent health standards and extreme precautions. The number of learners, class size, and teaching and learning approaches have been carefully programmed to ensure effective pilot implementation."
Mula naman sa General Santos City sa Mindanao, "Nagsimula na ngayong araw sa kanilang pagbabalik silid-aralan ang mga Grade 2 at 3 learners ng Aspang Elementary School mula sa General Santos City."
Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang DepEd para sa unang araw ng pilot implementation ng face-to-face classes.
"Sinalubong ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga lalahok na mga mag-aaral, mga guro, at kawani sa 100 na pampublikong paaralan para sa simula ng pilot implementation of limited face-to-face classes ngayong araw."
"Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat na sumuporta sa mahalagang yugto ng ating adbokasiya sa ligtas na pagbabalik-eskwela, mula sa pagpaplano mula pa noong 2020 hanggang sa mahalagang na araw na ito. Kami ay nagpapasalamat sa tulong ng Department of Health (DOH), IATF, child health experts, mga lokal na pamahalaan, pandaigdig at lokal na mga katuwang, kawani ng paaralan, mga magulang, at iba pang stakeholders sa pagpapatupad ng ating shared responsibility framework sa kritikal na gawain na ito."
Higit sa lahat, kami ay masaya na makita ang ating mga mag-aaral sa loob ng ating silid-aralan habang kinikilala ang kahalagahan ng face-to-face learning sa kanilang social development. Sa mga susunod na linggo, mas maraming mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan ang susunod na magsasagawa ng implementasyon dahil sa pag-apruba ng Pangulo na dagdagan ang bilang ng mga lalahok sa pilot."
"Sa ating malaking hakbangin na ipakilalang muli ang face-to-face classes sa gitna ng kalagayan ng pampublikong kalusugan, kami ay positibo na ang diwa ng Bayanihan ay mabubuhay upang masiguro ang kaligtasan ng mga kasamang stakeholders at ang tagumpay ng pilot run na ito."
"Alinsunod dito, kami ay dumudulog sa publiko na patuloy na sumunod sa required health protocols at standards. Sa tulong ng lahat sa pagpapabuti ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, ang ating pangarap na ligtas na pagbubukas ng mas marami pang paaralan sa buong bansa ay ‘di isang malayong realidad."
"Sama-sama, markahan natin ang araw na ito bilang ating lukso ng pananampalataya tungo sa pagsasakatuparan ng ?????? ?? ?????-???????!"
Bukod dito, nag-download din sila ng mga health at safety protocols na kailangang sundin ng mga guro, mag-aaral, magulang, at school personnel para sa pilot implementation na ito. Maaari itong ma-access ng lahat sa pamamagitan ng links na kanilang ibinigay.
"Sa pag-uumpisa ng pilot implementation ng limited face-to-face classes ngayong Nobyembre 15 sa piling mga paaralan sa bansa, naglagay tayo ng mga protocols at minimum health standards upang masiguro ang kaligtasan ng lahat na kaisa rito," ayon sa caption.
"Kaya't narito ang gabay na dapat sundin ng mga learners, guro, at magulang para sa maayos at ligtas na pagpapatupad ng face-to-face classes!"
Samantala, wala pang pilot implementation ng mga paaralan sa National Capital Region o NCR.