Nangako ang bagong Philippine National Police (PNP) chief na si Lt. Gen. Dionardo Carlos nitong Lunes, Nobyembre 15, na ipagpapatuloy niya ang mga programa at proyektong sinimulan ng dating PNP chief, kabilang na ang paghahanda para sa halalan sa Mayo 2022.

Si Carlos ay dating Chief of DIrectorial Staff na ang tungkulin ay pangasiwaan at pamahalaan ang mga operasyon at iba pang bagay para sa lahat ng unit ng PNP sa buong bansa.

“We have already prepared for this starting May and we will continue pour preparations," ani Carlos na ang retirement age ay nakatakda isang araw bago ang araw ng halalan sa Mayo 2022.

Bukod sa eleksyon, sinabi ni Carlos na nagtakda na si Eleazar ng mga layunin sa aspeto ng internal cleansing, anti-corruption drive, at magandang pagsasagawa ng batas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists