Ipinababatid ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Las Piñas sa mga mamamayan nito ang isinasagawang Blindness Prevention Program ng lungsod.
Ito ang inilahad ni Dr. Jeffrey Evaristo Junio-Program Manager ukol sa naturang programa ng Department Of Health (DOH) na isinasaproyekto at patuloy na ginagawa ng pamahalaang lokal bilang bahagi nito sa pagtiyak sa kalusugan ng mga taga-Las Piñas.
Ang nasabing programa ay naglalayung bigyan ng serbisyong medikal para sa kalusugan at pangangalaga ng mga mata ng mamamayan nito.
Ayon sa paliwanag ni Dr. Junio, ang unang sanhi ng pagkabulag ng mata ay ang “’Cataract” o katarata.
Aniya, sa programang ito mabibigyan ang mga Las Piñeros ng suporta pagdating sa gastusin sa pagpapa-opera ng katarata.
Idinugtong pa nito na kinakailangan ang green card upang maisagawa ang operasyon at kailangan din munang dumaan at sumangguni sa nakakasakop na Barangay Health Center para sa screening at makapagsumite ng kaukulang impormasyon rito.
Nananatiling prayoridad ng Las Pìñas City government ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga Las Piñeros lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Bella Gamotea