Nitong Biyernes, Nobyembre 12, inanunsyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 committee ang walong entries sa darating na film fest na magsisumula sa araw ng Pasko, Disyembre 25 at magtatagal hanggang sa Enero 7, 2022.

Una na riyan ang 'Kun Maupay Man It Panahon' na pinagbibidahan nina Charos Santos-Concio, Daniel Padilla, at Rans Rifol, sa direksyon ni Carlo Francisco Manalad.

Sumunod ay ang 'Love At First Stream' na pinagbibidahan nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, at Anthony Jenningsm, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Nariyan din ang 'A Hard Day' na pagsasama nina Dingdong Dantes at John Arcilla, sa direksyon ni Law Fajardo.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Sumuno ang pangalawang pelikula ni John Arcila na 'Big Night' kasama si Christian Bables, sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Bibida rin ang Kapuso loveteam na sina Rita Daniela at Ken Chan para sa 'Huling Ulan Sa Tag-araw', sa direksyon ni Louie Ignacio.

Katatakutan naman ang 'Huwag Kang Lalabas' nina Kim Chiu, Jameson Blake, Beauty Gonzalez, at Aiko Melendez, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Sumunod ay ang 'Nelia' nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing, sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Panghuli naman ay ang 'The Exorsis' ng magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa direksyon ng dating PBB housemate na si Fifth Solomon.

Kaugnay na rin ng taunang pagdaraos ng festival, iminungkahing muli ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos, sa panayam ng PEP noong Nobyembre 13, na gawin ang 'Parade of Stars' sa Pasig River habang nakasakay sa ferry ang lahat ng film entries.

Wala pang tinukoy na lungsod sa Metro Manila na magho-host ng film fest. Nasa MMDA raw muna ang pamamahala ng film fest, sa pakikipagtulungan o sama-samang efforts ng mga mayors sa NCR.

At tulad ng nakagawian, sa Disyembre 27 idaraos ang 'Gabi ng Parangal' kung saan inaabangan ang mga major categories na Best Film Festival Actor, Best Film Festival Actress at Best Festival Movie.

Ador V. Saluta