Bumaba na sa 89 ang bilang ng active cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Las Piñas City nitong Linggo, Nobyembre 14.

Sa datos ng Las Piñas City Health Office (LPCHO), mayroong kabuuang karagdagang 12 pasyente na nagpositibo sa virus sa nabanggit na petsa mula sa mga Barangay Manuyo Dos, Pulanglupa Dos, Talon Uno, Zapote,  Pilar, Talon Dos, at Talon Tres.

Nakapagtala rin ang lungsod ng 31 na nakarekober sa sakit.

Sa pahayag ng LPCHO, umabot sa kabuuang  28,742 ang confirmed cases, kabilang ang 27,996 na nakarekober habang 657 naman ang naitalang namatay sa virus sa lungsod.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bella Gamotea