Hindi bababa sa limang guro ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Zambales dahilan para ipagpaliban ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa dalawang eskwelahan sa lugar nitong Lunes, Nob. 15.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Assistant Division Superintendent (SDS) ng Schools Division Office (SDO) Zambales Michelle Mejica sa Manila Bulletin na “pansamantalang naantala” ang face-to-face classes sadalawang paaralan hanggang lumabas ang confirmatory test results ng mga guro.

“Prior sa pag-akyat nila today, nagpa-test sila kahapon. Unfortunately, may mga teachers tayo sa San Marcelino at Baliwet na nag-positive sa RAT [Rapid Antigen Test],’ sabi ni Mejica.

Ayon kay Mejica, sampung paaralan sa Zambales ang tinukoy ng DepEd sa lalahok sa pilot run. Karamihan sa mga ito ay Indigenous People (IP) schools.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kabilang dito ang Burgos Elementary School (ES), Owaog-Nebloc ES, Moraza ES, Belbel ES, Maguisguis Integrated School (IS), Nacolcol IS, Palis IS, Baliwet ES, San Marcelino National High School (NHS), at Banawen ES.

Bagama’t hindi kinakailangan ng DepEd at ng Department of Health (DOH) ang pagsasailalim sa COVID testing para sa face-to-face classes, sinabi ni Mejica na “inialok” ito ng local government unit (LGU) sa mga gurong lalahok sa pilot face-to-face classes.

Sinabi ni Mejica na dalawang guro sa San Marcelino NHS at tatlong guro sa Baliwen ang nagpositibo sa COVID-19 batay sa RAT. Naghihintay naman sila ngayon sa resulta ng confirmatory test batay sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR).

“While waiting for their confirmatory tests, nakalagay din kasi na contingency iyon, na ide-delay natin yung klase sa mga schools na iyon,” sabi ni Mejica.

Merlinda Hernando-Malipot