Arestado ang dalawang tulisan at extortionist sa entrapment operation ng Pasig City Police Station (PCPS) sa isang restaurant sa Barangay Ugong, Pasig City noong Linggo, Nob. 14.

Kinilala ni Pasig Police chief Col. Roman Arugay ang mga naarestong suspek na sina Engelbert Diano Rollenas, 22; at Jayson Soriano Bobis, 41,parehong residente ng Pasig. Tinutugis pa rin ang isa pang suspek na kinilalang si Romeliro Dela Cruz Fernandez, 23, residente rin ng Pasig City.

Isinagawa ang entrapment operation kasunod ng inihaing reklamo ng biktima laban sa mga suspek dahil sa insidente ng “basag kotse” sa Cainta Rizal, kung saan tinangay ang isang laptop at cellphone sa sasakyan ng biktima.

Tumangka pa umanong mangikil ng mga biktima sa suspek kapalit ng ninakaw na laptop at cellphone.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng PCPS sa pangunguna nina Lt. Julio Valle Jr. and Lt. Jazon Lovendino.

Unang napagkasunduan ng mga suspek na makipagkita sa biktima sa isang fast food chain sa San Joaquin, Paig ngunit nagbago ang kanilang isip at sa halip ay ipinadala ang biktima sa isa pang fast food branch sa Barangay Rosario, Pasig.

Muling nagbago ang isip ng mga suspek at inutusan ang biktima na tumuloy sa isang chicken restaurant sa Barangay Ugong, Pasig kung saan sila naaresto ng mga awtoridad.

Seth Cabanban