Umabot na sa 102,913 ang kabuuang bilang ng mga kabataang may edad 12-17, mayroon at walang comorbidities, ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 15.
Sa naturang bilang, 3,792 ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Ayon sa pamahalaang lungsod, target nilang makapagbakuna ng 200,000 hanggang 240,000 na bata sa pagtatapos ng Nobyembre.
Hinihikayat din ng lungsod na magparehistro ang mga menor de edad aa pamamagitan ng QC Vax Eay Plus: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
Hindi tumatanggap ng walk-in applications.
Samantala, sa huling datos ngayong araw, nakapagtala ang lungsod ng 1,829,504 fully vaccinated na indibidwal o 107.62 porsyento ng 1.7 milyon na target population nito.
Aaron Dioquino