Pinaplano ngayon ng 17 na alkalde sa Metro Manila na pagbawalang bumiyahe ang mga bata na hindi pa bakunado laban sa coronavirus disease 219 (COVID-19), ayon sa pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Linggo, Nobyembre 14.

Kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año na inabisuhan na niMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) upang humarap sa isang pagpupulong sa usapin kasunod na rin ng pagkahawa sa sakit ng isang 2-anyos na lalaki matapos manggaling sa isang shopping mall kamakailan.

Naiulat na natuklasang nahawaan ng virus ang bata nang lumabas ang resulta ng rapid antigen test nito.

“Kahapon (Nov. 13), nagkausap kami ni chairman Benhur (Abalos) at napagusapan namin ito at sa pulong na ginagawa ng mayors isa sa kanilang tatalakayin para makita na kailangan bang magkaroon ng restrictions sa younger kids,’’ pagdidiin niAño sa isang television interview.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Iniimbestigahan na rin aniya nila ang ulat kung sakaling mag-false positivesa sakit ang nasabing bata.

“Too early to make conclusions pero, maganda na pinag-aaralan natin,” pagbibigay-diin ng opisyal.

Pinayuhan din nito ang mga magulang na sumunod pa rin sapublic health protocols sa pagdadala ng kanilang mga anak sa shopping mall dahil matagal pa umanong matapos ang pandemya ng COVID-19 sa bansa,

Kamakailan, pinayagan na ng gobyerno na pumasyal ang mga bata sa mga parke at iba pang pampublikong lugar matapos isailalimang NCR sa alert level 2 quarantine classification.

Chito Chavez