Matapos ang mga nakalolokang 'plot twist' sa mundo ng politika nitong Sabado, Nobyembre 13, nakisabay pa rito ang pagkawala ng SM Mall of Asia Globe na isa sa mga iconic landmarks ng naturang mall, na isang 360-degree metal structure na may 31 talampakan.

Bandang 11PM, kumalat sa TikTok ang video ng isang delivery rider na nagngangalang Chester D. Tangonan matapos niyang makuhanan sa video camera ng kaniyang cellphone, na may kumukuhang helicopter sa naturang malaking globe.

Marami rin sa mga residenteng naninirahan sa mga condominium doon ang nakakuha ng video ng pagkuha ng helicopter sa naturang globo, at agad na ipinakalat sa social media. Naging #1 trending topic pa nga ito sa Twitter.

Nag-isyu rin ng public notice ang SM MOA management hinggil sa nangyari. Kinumpirma nila na nawawala nga ang kanilang globo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident," saad sa kanilang opisyal na Facebook post.

May be an image of text that says 'MALL OF ASLA No Other Mall Comes Close PUBLIC NOTICE SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident. With our security measures in place, rest assured that the SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends.'
Larawan mula sa FB/SM Mall of Asia

Makikita ang malaking harang sa dating kinatatayuan ng MOA Globe. Nagkaroon din ng espekulasyon na baka irerenovate lang ito o magtatayo ng panibagong globo para sa isang kompanya.

Bandang 5:37 AM, isang nagti-TikTok na babaeng call center agent ang nakahagip sa kaniyang video ng pagbabalik ng MOA Globe ng isang helicopter.

Naibalik na nga talaga ang MOA Globe.

Ito pala ay promotion ng pelikulang 'Red Notice' starring Dwayne Johnson bilang si Detective John Hartley, ang top profiler ng FBI, si Ryan Reynolds bilang Nolan Booth, ang pinakamahusay na art thief sa buong daigdig, at si Gal Gadot bilang "The Bishop," na inilarawan bilang world's most wanted art thief.

Screengrab mula sa Netflix

Screengrab mula sa Netflix

Mapapanood ang Red Notice sa sikat na online streaming na Netflix na nagsimula na noong Nobyembre 12.

Bukod sa mga netizens, nabulabog din ng 'insidenteng' ito ang Pasay Police kaya agad silang nakipag-ugnayan sa SM MOA management upang mag-imbestiga.

Pati ang mga sikat na celebrities ay napaniwala rin na ninakaw nga ito. Isa na riyan si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

"I thought it was a hoax but apparently it’s true. And no one did anything while the MOA globe was being harnessed and carried away? No one saw it happening? Are choppers even allowed to fly at this time of the night? Who is watching our skies? What’s going on??" ayon sa tweet ng singer nitong Nobyembre 14 ng madaling-araw.

Nitong Nobyembre 14 nga ng hapon ay ibinunyag na ng SM MOA ang kanilang promo ng Red Notice sa pakikipagtulungan ng Netflix.

May be an image of outdoors
SM MOA Globe (Larawan mula sa Manila Bulletin)